Nakatakdang sampahan ng kaso ang itinuturing na persons-of-interest sa nangyaring pamamaril sa dating Brgy. Kgwd at kasalukuyang Brgy. Treasurer sa Brgy. Bued, bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P/Lt. Col. Franklin Ortiz, OIC-Chief of Police ng Calasiao Police Station, sinabi nito na isa pa lang ang sasampahan nila ng kaso na may kinalaman sa pagpatay sa biktimang si Lauro Parajas.
Ngunit tumanggi na itong magbigay ng ibang detalye upang hindi mabulilyaso ang pagpapatuloy ng kanilang isinisagawang imbestigasyon.
Ayon kay Ortiz, hindi nila bibigyan ng personal body guard ang pamliya ng biktima sapagkta nagpapatrolya naman ang kanilang mga kapulisan sa pinangyarihan ng insedente upang mapawi ang takot na nararamdaman ng mga ito.
Matatandaan, nagkakape sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang malapitang pagbabarilin ng mga ‘di pa nakikilalang suspek. Tama sa ulo ang tinamo ni Parajas na sanhi ng agaran nitong kamatayan.