Nahaharap sa kaso ang tatlong Foreign National matapos maaktuhan ng mga otoridad na nag pa – pot session sa loob ng isang boarding house sa lungsod ng San Carlos.

Ayon sa PDEA Pangasinan, matagal ng minamanmanan ang mga suspek na sina Afqad Aslam Chaudhry, isang Pakistani at dentista, at mga Palestino na sina Muhammad Daim at Aref Tayseer Aref Abdalghany na parehong estudyante dahil sa natatanggap nilang report hinggil sa paggamit nila ng marijuana.

Nabatid na pinapalitan umano ng mga suspek ng dahon ng marijuana ang laman ng sigarilyo.

--Ads--

Ito ang ginagawang estratehiya ng mga suspek upang hindi mahuli sa paggamit ng marijuana.

Nakuha sa kustodiya nila ang ilang stick ng sigarilyo na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at isang sachet na naglalaman din ng marijuana.

Itinanggi naman ng mga suspek ang alegasyon ng mga otoridad.

Ibinigay lang umano sa kanila ng dalawang babae ang sigarilyo at hindi na sila nakatanggi dahil malayo ang bilihan ng sigarilyo mula sa kanilang boarding house.