Simula na rin ngayong Lunes ang Brigada eskuwela bilang paghahanda sa pasukan.

Ginagawa ang paglilinis at pagsasaayos sa lahat ng paaralan sa elementarya at haiskul dito sa lungsod ng Dagupan at lalawigan ng Pangasinan bago ang pagbubukas ng klase.

Ang tema ng 2019 Brigada Eskwela ay “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan,” na ang layunin ang maihanda ang lahat ng pampublikong paaralan para sa nalalapit na school year 2019-2020.

--Ads--

Samantala, gaya ng nakaugalian ay sabay-sabay na magzu-zumba ang mga guro at estudyante ng Mangaldan National Highschool para makalikom ng pondo sa “Brigada Eskwela” .

Ang morning Zumba ay may kaukulang bayad na gagamitin pandagdag sa pondo ng nasabing paaralan.

Bukod sa pa Zumba ay gagawa rin ng iba pang fundraising activities ang eskuwelahan tulad ng art sessions.

Kaugnay nito, nanawagan ang Department of Education (DepEd) na makiisa at tumulong sa Brigada Eskwela na isasagawa sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa na magtatagal hanggang Mayo 25 ng taong kasalukuyan.