Patay ang isang lalaki habang kritikal ang kaibigan nito matapos sumalpok sa isang truck ang kanilang sinasakayang motorsiklo sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon sa mga otoridad, papunta sana sa bayan ng Villasis ang dalawang biktima na kinilala bilang si Rogelio Dela Cruz at Bong Plares upang sana’y dumalo sa isang birthday party.

--Ads--

Lulan ng kanilang motorsiklo, binagtas ng magkaibigan ang kahabaan ng Brgy Nancayasan sa syudad ng Urdaneta ng bigla na lamang silang salpukin ng truck na minamaneho naman ni Robinson Arcella.

Nag-overtake umano si Arcella sa isang sasakyan at hindi nito napansin ang kasalubong na motorsiklo. Giit naman ng suspek, wala umanong ilaw ang sasakyan ng magkaibigan kaya’t hindi nito nakita ang pagdating nito.

Sa lakas naman ng impak, tumilapon ang dalawang biktima na nagresulta sa pagkasawi ni Plares habang kritikal naman ang kondisyon sa ospital ni Dela Cruz.

Kasalukuyan ng nakapiit sa kulungan ang suspek habang ipagpapatuloy pa rin umano ng pulisya ang kanilang isinasagawang imbistigasyopn sa naturang insidente.