Aminado ang hanay ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na wala silang kapangyarihan upang huliin ang mga sangkot sa vote buying.

Ngunit paglilinaw naman ni Atty. Cornelia Español, Parish Pastoral Council Coordinator ng Bonuan Boquig dito sa lungsod ng Dagupan at kasalukuyan ding Coordinator ng PPCRV, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya kalakip ng panalangin mula na din sa simbahan.

Giit pa nito na ang tanging magagawa lamang ng kanilang hanay ay magbigay ng payo sa publiko na hanggat maaari ay umiwas sa usapin ng vote buying pero hindi nila maaaring galawin o pwersahin ang isang indibidwal dahil wala aniya silang otoridad para gawin ito.

--Ads--

Kasabay naman aniya ng kanilang taimtim na panalangin ay ang pag asang makamtam ang malinis, tapat, at makabuluhang eleksyon ngayong taon at mapanatili ng publiko ang kanilang dangal bilang isang botante sa pamamagitan ng pagpili sa karapat-dapat na kandidato na siyang makakatulong sa ating bansa.