Kontrolado pa ang situwasyon sa rehiyong uno kaugnay sa nalalapit na halalan sa araw ng Lunes, May 13.

Ito ay base sa monitoring ng PNP at Commission on election ilang araw bago ang midterm election.

Sa ngayon ay wala umanong nakikitang banta sa mga probinsya sa rehiyon.

--Ads--

Samantala, mas naghigpit ang PNP sa implementasyon ng security measures sa buong region 1 habang nalalapit ang eleksyon.

Nagbaba ng kautusan ang PNP Region 1 sa lahat ng provincial directors at lahat ng hepe ng ibat ibang mga bayan at siyudad na alamin ang campaign activities ng lahat ng kandidato upang makapag bigay ng police security sa mga ito.

Mahalaga umanong mabigyan ng pare-parehong police security ang lahat ng mga kandidato para matiyak ang kanilang seguridad sa nalalapit na halalan.