Iniinda ngayon ng mga tindera sa lungsod ng Dagupan ang matumal na bentahan ng shellfish o lamang dagat dahil sa pagtama ng red tide toxins sa coastal water ng bahagi ng Western Pangasinan.

Natatakot umano ang mga tao na bumili baka apektado rin ang kanilang paninda.

Kung dati ubos na ang kanilang paninda bago magtanghali , ngayon ay halos hindi nila mabenta ang paninda nilang tahong at halaan.

--Ads--

Tiniyak naman ng mga negosyante na may kaukulang permit ang kanilang mga paninda, ligtas kainin at hindi kontaminado ng red tide.