Inihayag ng City Disaster Risk Reduction ang Management Office o CDRRMO Dagupan na nakahanda itong tumugon at tumulong sakali mang maharap ang syudad sa mga hindi inaasahang malalaking sakuna gaya na lamang ng lindol.

Ito mismo ang kinompirma sa Bombo Radyo Dagupan ni Bernard Cabison ang Deputy Officer ng CDRRMO Dagupan.

Ayon sa opisyal, sinisiguro ng kanilang tanggapan na naka alerto sila sa lahat ng oras lalo na’t kamakailan lamang ay nakapagtala ang bansa ng magkakasunod na lindol sa magkakaibang lugar.

--Ads--

Sa katunayan pa nga ayon kay Cabison, may mga equipment o kagamitan ang syudad na maaaring magamit sakali mang makaranas ng hindi inaasahang pagyanig.

Aniya, malaking tulong ang mga nabanggit na kagamitan sa pagsasagawa ng mga rescue operations.

Matatandaan na niyanig ng magnitude 6.1 ang probinsiya ng Pampanga kung saan hindi bababa sa 15 ang bilang ng mga nasawi habang magnitude 6.5 lindol naman ang naranasan sa Eastern Samar na ikinasira ng ilang mga establisyemento.