Patay ang isang 4 na taong gulang na batang  lalaki matapos maltratuhin  ng kanyang amain sa bayan ng  Bugallon, Pangasinan.

Kuwento  ng inang si  Angela San Andres, ala-4 ng hapon nang makitang  nakahiga sa kama ang kanyang live -in partner  na si Jessie Garbo at  anak na si Erwin habang pinapatulog ito.

Pero nang hindi matulog ang bata ay kumuha siya ng walis tambo at pinalo sa ulo ang biktima na nagresulta sa pagdurugo ng ulo nito.

--Ads--

Sinubukan pa umanong pakainin ng  nanay  ang biktima pero nagalit ang suspek  at inutusan pa itong  magtulak ng duyan ng kapatid.

Kalaunan  ay  huminga ang bata dahil nahihirapang  huminga pero inutusan pa raw siya ng suspek na magtulak ng duyan ng kapatid  at kahit nahihirapan na ang bata ay binogbog pa niya.

Maya maya ay napansin ang bata na nakahiga na  at  hindi na humihinga.

Doon pa lang siya itinakbo sa ospital  pero huli na ang lahat dahil pumanaw na ang ito.

Sinampahan na ng kasong murder ang  suspek na ngayon ay nagtatago na sa mga otoridad.