Handang handa na ang Pangasinan Police Provincial Office sa  nalalapit na  midterm election.

       Ayon  kay police captain Ria Tacderan, information officer ng Pangasinan Police Provincial Office, nakakasa na ang deployment ng mga PNP Personnel.

       Gayunman, aminado ito na kulang sila ng mahigit 500 pulis na magmamanman sa buong lalawigan ng Pangasinan.

--Ads--

       Nangako naman ang PNP regional director na maraming augmentation na manggaling sa rehiyon.

       Katuwang ng PNP ang mga AFP, Barangay Peacekeeping action team, at iba’t ibang sector para masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa halalan.

       Dagdag pa niya na madaragdagan din ang mga checkpoint at mga magiikot na mobile patrol .

       Samantala, tiniyak ni Tacderan na nakahanda ang kapulisan  na bantayan ang mga parating na vote counting machine.