Wala ng buhay ng matagpuan ang isang 64-anyos na magsasaka sa bayan ng San Carlos na nagpalaam lamang na lalabas dahil mahina ang signal ng kaniyang cellphone sa loob ng kanilang tahanan.

Nakita na lamang ng isang 12 anyos na estudyante ang wala ng buhay na katawan ng biktima sa may kahabaan ng Brgy. Agdao na kinilalang si Norberto Tagubaras, na residente mula sa nabanggit na barangay.

Napag-alaman na ang biktima ay nagtamo ng sugat sa ulo at bali sakanyang binti na pinaniniwalaang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

--Ads--

Base naman sa salaysay ng mga anak ng biktima, lumabas ang kanilang tatay para maghanap ng mas malakas na signal subalit bigo na itong makabalik ng buhay sakanilang tahanan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbistigasyon rito ng mga otoridad at posibleng isailalim Autopsy o Post Mortem examination ang kanyang labi. -With reports from Cherryl Ann Cabrera