Mas pinaigting pa ng ng Bureau of Fire Protection BFP Pangasinan ang kanilang kampanya kontra sunog.

Ayon kay F/Superintendent Eddie Jucutan, Provincial Fire marshal dito sa lalawigan, sinabi nito na mahigpit na ini-inspeksyon ng kanilang mga tauhan ang mga gusali pati na ang mga paupahang bahay dito sa probinsya upang maiwasan ang insidente ng sunog.

Aniya, pinayuhan nila ang mga may-ari na maliban sa main door ay dapat magkaroon din ng emergency exit. Target aniya nila sa kanilang inspeksyon ang mga kabahayan dahil karaniwan sa mga naitatalang insidente ay may kinalaman sa residential at industrial.

--Ads--

Layunin din umano nito ayon kay Jucutan na ipabatid ang mga hakbang na dapat gawin upang mamuhay ang publiko ng ligtas at matiwasay laban sa banta ng sunog.

Idinagdag pa ng opisyal na ang kaligtasan ng lahat ay nakasalalay sa ibayong pag-iingat, kahandaan at responsableng mamamayan. Int. of Bombo Framy Sabado //Zona Libre Program