BOMBO DAGUPAN – Namahagi ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ng relief na tulong sa 984 na pamilya na apektado sa lampas taong baha sa Brgy. Sonquil, sa bayan ng Sta. Barbara dala ng hanging habagat matapos dumaan ang bagyong Enteng.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dona sheila legazpi, ang secretary ng Brgy. Sonquil, ipinamahagi ng ahensya ang isang kahon na naglalaman ng mga delata, bigas at instant noodles.

Bukod naman sa DSWD ay nagpaabot din ng tulong ang grupo ng Rotary Club at ni Congresswoman Rachel Arenas.

--Ads--

Samantala , wala namang naitalang nag evacuate dahil ang mga residente dito ay sanay na at ang ilan sa mga bahay ay napataas na rin.

Nakapagtala naman sila ng pinsala sa agrikultura at dalawang kaso ng dengue na kanila pa ring inaaalam kung sa kanilang barangay ba nila nakuha.

Kung kayat ipinagpatuloy ang pagsasagawa ng misting at fogging.