Sumampa na sa 95% na mga empleyado ng Region 1 Medical Center ang nabakunahan na ng Covid-19 vaccine.
Ayon kay R1MC Medical Director Dr. Joseph Roland Mejia, karamihan sa mga empleyado na nakatanggap ng bakuna ay protektado na umano sa epekto ng COVID19.
Kung sakali man umanong tamaan ang mga medical frontliners ng R1MC ay malaki ang tiyansa na hindi na sila makakaramdam ng mas malalang sintomas.
--Ads--
Samantala, ang mga hindi pa nabakunahan ng Covid-19 vaccine ay posibleng makaranas ng severe symptoms habang ang naturukan na ay maaaring makaranas ng mild symptoms.
Habang ang mga natitirang ilang empleyado na hindi pa nabakunahan ay mga buntis o may underlying conditions.




