Pinarangalan ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa Gawad ang Galing! 2025 Employees’ Awards and Recognition bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at natatanging serbisyo.

Sa ilalim ng pamumuno ni Pangasinan Gov. Ramon V. Guico III, tumanggap ng cash incentives at regalo ang 94 na retiradong empleyado bilang pasasalamat sa kanilang mahabang panunungkulan.

Samantala, 183 na kawani ang ginawaran ng iba’t ibang parangal tulad ng Pag-asa ng Bayan Award, Dangal ng Bayan Award, Green Seal Award, at On the Spot Award.

--Ads--

Patunay ang programa na patuloy na kinikilala sa lalawigan ang sakripisyo at kahusayan ng bawat lingkod-bayan.