90 porsyento ng mga local farmers sa bayan ng San Fabian, Pangasinan ang naka insured sa Philippine Crop Insurance System.

Ayon kay Johnny Jugo Paraan, Municipal Agriculturist sa bayan ng San Fabian, kapag nagdidistribute sila ng mga binhi ay sinasabay nang binibigyan sila ng form para pirmahan.

Sinabi ni Paraan na may mga nakaassign na agricutural technologist na nagtutungo sa mga barangay upang idouble check ang kanilang form bago isumiti sa Philipine Crop Insurance system sa may lungsod ng Urdaneta.

--Ads--

May mga evaluator naman ang PCIS ang nagsasagawa ng assessment kung gaano ang pinsala sa palaisdaan kaya depende sa assessment ng evaluator kung ilang porsyento ang ibibigay sa mga farmers.

Halimbawa may bagyo at ideneklara ang state of calamity sa isang lugar ay wala ng assessment kung saan 50 hanggang 70 porsyento ang binibigay sa magsasaka.

Tuwing planting season ay may nagbabarangay para masiguro na nakainsure ang mga gulay at mga high value crops na itinanim sa main crop at second crop dahil minsan sobra ang tubig at kung minsan naman ay walang patubig.

Dagdag pa niya na kapag panahon ng El Nino ay nabibigyan din ng incentives ang mga magsasaka.