DAGUPAN CITY–Siyam katao na kinabibilangan ng isang babaeng frontliner ang mga bagong nagpositibo sa covid-19 infectious disease sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang mga nagpositibo ay 43 anyos na babaeng frontliner na residente ng barangay Nancalobasaan at 41 anyos na babae at dalawang buwang nagdadalang tao na residente naman ng barangay Palina East sa lungsod ng Urdaneta, 34 anyos na babae mula sa bayan ng Malasiqui, 4 katao mula sa lungsod ng San Carlos na kinabibilangan ng 22 anyos na babae, 45 anyos na babae, 20 anyos na babae at 8 taong gulang na batang babae, 33 anyos na lalaki mula sa bayan ng Asingan, at 68 anyos mula sa lungsod ng Alaminos.

Ang iba ay Asymptomatic habang ilan dito ay nakaramdam ng mga sintomas na dry cough, hirap sa paghinga at panghihina ng katawan subalit wala namang travel history.

--Ads--

Nagpakonsulta ang naturang mga covid patients at kinuhanan ng swab sample para sa covid19 at lumabas ang resulta ng confirmatory test kung saan positibo sila sa covid.

Kasalukuyang nasa isolation facility na ang mga pasyente.,

Bunsod nito, nananawagang muli ang lokal na pamahalaan ng buong kooperasyon sa publiko upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng covid 19.

Sumatotal, nasa 442 na ang kumpirmadong kaso dito sa Pangasinan.

Sumampa na sa 332 ang gumaling at 18 ang nasawi.