Dagupan City – Mga kabombo! marami ngayong mga studyante ang inaayawan ang asignaturang matimatika. O kaya’y kapag sinabing numbers, marami na ang umaatras.

Ngunit ibahin niyo ang 9 years old na si Leigh Axel Avilla. Dahil binansagan itong ng mga netizens na mala-calculator ang utak.

Ayon sa ulat, tila hindi mo na kinakailangan pang gumamit ng calculator para hanapin ang value ni X and Y dahil kayang-kaya niya itong sagutin.

--Ads--

Ayon kay Marilyn Lanohan II na nakasaksi sa galing ng bata, nagbabakasyon lamang sa Bantayan Island nang nilapitan sila ni Leigh sabay sabing handa nitong sagutin ang square root ng kahit anong numero na ibibigay nila kapalit ng milk tea.

Samantala, sa tala naman ng Guinness World Records, hawak ni Granth Rakkesh Thakkar ng India ang record para sa fastest time to calculate the square root of a six-digit number. Nasungkit ni Thakkar ang record noong September 2, 2013.