Dagupan City – Mga kabombo! Mistulang parang teleserye o napapanood lang sa pelikula ang kwento ng isang elderly man sa China.

Ayons a ulat, kinilala ito sa pangalang Ruan na walang asawa at mga anak.

Maaga rin daw umano itong naulila, dahil bagama’t may kapatid ito ay maaga namang nag-asawa.

--Ads--

Habang lumalaki raw ito at nagkakaedad, naramdaman niyang nag-iisa siya sa mundo.

Lumalabas din na noong 2011, ay naging 81 years old na si Ruan, at sinabing nahihirapan na siyang alagaan ang sarili.

Bihirang-bihira rin daw kasi siyang dalawin ng kapatid, at dahil ditohumingi na lamang siya ng tulong sa kanyang local village committee, na siyang nagrekomenda kay Liu.

Dito niya nakilala si Liu at nagkasundo ang dalawa na aalagaan si Ruan hanggang sa kamatayan.

Bahagi ng kasunduan na kailangang manatiling mataas ang living standards ni Ruan, alinsunod sa mga patakaran ng village.

Bilang kapalit naman, pinamanahan ito ng ari-arian ni Ruan sa village.