Kakaiba ang ginawang 80th birthday ng isang British Columbia cafe owner dahil gumawa ito ng kaniyang 17 feet by 17 feet massive carrot cake.

Nakipagtulungn si Ted Martindale sa ilang local bakeries upang maisagawa ang kaniyang cake na naglalaman ng 798.32 kg ng carrots, 317.515 kg ng butter, libo-libong mga itlog, at halos 90.72 kg ng icing.

Aniya, inabot sila ng isang buwan upang magawa ang 430 piraso ng mga cake upang mabuo ang final product.

--Ads--

Ginanap naman ang birthday party ni Martindale sa isang local senior’s center at duon inihain ang kaniyang napakalaking cake.