Umaabot sa 80 percent ng mga palayan sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan ang nalubog sa tubig baha.
Ayon kay Vice Mayor Dhang Mamaril, malaking bahagi rin ng provincial road partikular sa bounday ng Malasiqui at Santa Barbara ay hindi na madaanan.
Sa ngayon ay nakapagtala sila ng mga evacuees mula sa 2 barangay kung saan nasa mahigit dalawamput limang pamilya na.
Sinabi ni Mamaril na hindi pa man dumarating bagyo ay nabigyan na ang bawat household ng tig 5 kilos na bigas sa bawat barangay.
Tuloy tuloy pa rin aniya ang pamamahagi ng relief pack at magkaiba aniya ang manggagaling sa mismong barangay at iba naman mula sa calamity fund na manggagaling sa LGUs.
Ang bayan ng Malasiqui ay kabilang sa mga bayan sa lalawigan na isinailalim sa state of Calamity dahil sa malaking epekto ng bagyo .