Isang makabuluhang pangyayari ang naganap sa 80 magkasintahan na nagpalitan ng “I Dos” sa katatapos lamang na Libreng Kasal 2025 sa lungsod ng Alaminos.

Ang nasabing kasalan ay handog pagmamahal ni Mayor Arth Bryan C. Celeste at ng pamahalaang lungsod ng Alaminos, na ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Ang kasalang bayan na ito ay nasa ika-labin dalawang taon nang ipinatutupad ng pamahalaang lungsod, na may layuning gawing lehitimo at maging matibay ang pagsasama at pag-isahin ang pagmamahalan ng mga magkasintahan sa lungsod.

--Ads--

Kaugnay nito ay nagbahagi ng mensahe ang alcalde para sa lahat ngmga ikinasal kung saan hiniling nito na maging modelo sa kanilang magiging pamilya. Binigyang diin din niya na kailangan nilang ipakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa upang ma-inspire at maipakita nila sa kanilang mga anak kung ano ang tunay na pagmamahalan.

Ang matagumpay na kasalang bayan ay sinaksihan ng mga opisyal ng pamahalaan at ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya. Pinangasiwaan ng Local Civil Registry Office sa pangunguna ni City Civil Registrar Lovely De Castro-Milles ang taunang mass civil wedding bilang isa sa mga pinaka-tampok na gawain sa pakikiisa ng lungsod sa pagdiriwang Civil Registration Month.