BOMBO DAGUPAN – Hinalay ng kaniyang mismong tiyuhin ang 8-taong gulang na batang babae sa bayan ng Mapandan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan Pmaj. Mike Angelo Refuerzo, OIC Mapandan PNP na nagpunta ang ina ng biktima sa kanilang himpilan upang magreklamo.

Aniya na pagsasalaysay ng ina ng biktima ay tinatawag ng suspek ang kaniyang anak sa bahay nito at doon ginagawa ang panghahalay.

--Ads--

Bagamat ay tiyuhin naman ito ng kaniyang anak ay tiwala ito na walang itong masamang gagawin subalit isang beses ay nakita niya ang kaniyang anak na nag-aayos ng pang-ibabang saplot at sa parehas na kwarto ay doon din lumabas ang kaniyang tiyuhin.

Noong unang pagkakataon na ginawa ito sa biktima ay hindi naman ito nakapagsumbong agad dahil narin sa takot.

Wala namang piyensa para sa mga krimen ng Statutory Rape na kinakaharap ng suspek at para sa Rape Through Sexual Assault ay may kaukulang piyensa na P200,000.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Mapandan PNP ang suspek at hinihintay na lamang ang commitment order para mailipat sa BJMP.