DAGUPAN CITY–Nahaharap sa kasong may kaugnayan sa illegal na droga ang walong katao matapos makuhaan ng 1 milyong halaga ng pinaghihinalaang illegal na droga sa Angeles City Pampanga.
Naaresto ang mga ito sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Luzon kung saan ang mga suspek ay itinuturing umanong major supplier ng party drugs at valium sa lugar.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Bernice Fabiosa, 21, Ma. Isabel Lawas, 19; Aileen Baldon, 23; Jamie Mendoza, 20, Jessa Scott, 19; Bernadeth Saavedra, 19; Sean Moreno, 42; and Gregorio Imperial, 26, na pawang mga residente ng Angeles City.
Kabilang sa mga nakuha sa mga suspek ang 310 tableta ng party drugs (ecstasy), five capsules ng Dimethyl Tripticase,100 Valium tablets, three plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinaalaang kush at plastic sachet na naglalaman ng 0.75 grams ng cocaine at weighing scale.