Dagupan City – Nagresulta ng pagkasugat ng isang magsasaka na 73-anyos ang nangyaring insidente ng pananaksak sa bayan ng Alcala.
Batay sa pulisya, naganap ito matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima sa kanilang inuman kaya nasaksak ito ng matulis na bagay sa kanyang kaliwang bahagi ng ibabang tyan.
Agad nakatakas suspek matapos tangkaing saktan ang biyenan nito kaya agad nagsagawa ng follow-up operasyon ang mga tauhan ng Alcala Police Station kaya siya nadakip.
--Ads--
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek habang iniaayos ang mga kakaharapin nitong kaso.
Dahil sa nangyari, nagpapagaling pa sa pagamutan ang biktima para bumuti na ang kalagayan nito dahil sa kanyang sinapit.










