DAGUPAN CITY–Patay ang isang 70 taong gulang na lolo matapos na pagsasaksakin at pugutan ng ulo ng kaniyang katrabaho sa bayan Brgy Telbang Bayambang.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Manliklik habang ang suspek ay kinilalang si Kenneth Rodriguez.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nagising umano ang suspek na tila balisa at ginising nito ang biktima at isa pa nilang kasamahan sa trabaho na si Marvin Aguilar, 30 anyos.

--Ads--

Kumuha umano ang suspek ng kutsilyo saka sinundan ang dalawa na tumakbo sa ikalawang palapag ng tinutuluyang bahay.

Dito nito naabutan ang biktima na kaniyang sinaksak at pinugutan ng ulo.

Kwento naman ng kaanak ng biktima na naikwento nito minsan na hindi nito kasundo ang isang katrabaho sa di malamang dahilan.

Nahaharap naman sa kasong murder ang naturang suspek.