BOMBO DAGUPAN– Kung ikaw ba ang tumama sa lotto, ibibigay mo ba sa kapatid mo ang kalahati ng iyong premyo kapag humingi ito?
Tumama kasi sa lotto ang isang babae na itinago ang tunay na pangalan sa alyas na Vedoric.
Sa kanyang post, sinabi niyang hindi naman kalakihan ang kanyang napanalunan.
Pero nung nalaman ng kanyang kuya ang panalo niya sa lotto, agad daw itong nag-demand kay Vedoric na ibigay sa kanya ang kalahati ng napanalunan.
Ang argumento sa kanya ay magkapamilya naman daw kasi sila.
Ipinaalala pa sa kanya ng kuya na noong mga bata pa sila ay nangako si Vedoric na ibabahagi niya rito ang anumang meron siya.
Tinanggihan niya ang gustong mangyari ng kanyang kuya pero mula noon, naging malamig na umano ang pakikitungo sa kanya ang kapatid.
Tinawag din siya nitong makasarili, at inakusahang walang pagmamalasakit sa kanyang kapamilya.
Kaya tanong ng dalaga ay kung masama raw ba siyang kapatid dahil hindi niya hinatian ng panalo sa lotto ang kanyang kuya?
Halos lahat namang nagkomento sa post ni Vedoric ay nasa kanya ang simpatya.
Isa naman ang nagpayo na para na rin sa iba pang tatama sa lotto—huwag na huwag ipagsasabi kahit kanino kapag biglang nagkaroon ng maraming pera.