BOMBO DAGUPAN – Patuloy ang ginagawang monitoring ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyong Carina sa lalawigan ng Pangasinan.
Base sa monitoring ng Pangasinan PDRRMO, nananatiling nasa yellow warning alert ang lalawigan.
Sa nasabing alert status, dapat maging alerto dahil posible pa ring magkaroon ng pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.
--Ads--
Patuloy pa rin kasing makakaranas ng pag-ulan dulot ng Hanging Habagat.
Sa ngayon,patuloy pa ring nakaantabay ang rescue team, boats, at truck kung kinakailangang magsagawa ng preemptive evacuation.
Nakahanda rin ang PDRRMO Evacuation Center.