BOMBO DAGUPAN – Hindi pa rin makapaniwala si Jessy Mendiola na nagbabalik-showbiz siya.

Halos limang taon kasi siyang namahinga dahil sa pandemya at pag-aasawa nila ni Luis Manzano.

Masayang sabi ni Jessy, na “I feel very special. Hindi ko ini-expect na ganun kadami yung nagmamahal sa akin.”

--Ads--

May mga pini-pitch na raw na proyekto para kay Jessy, pero malalaman daw ito sa mga susunod na buwan.

Samantala, kasabay na pumirma ni Jessy ng kontrata ang asawang si Luis.

At kung matuloy man na sabay silang may proyekto, sisikapin daw nilang mag asawa na matututukan pa rin ang pag-aalaga sa anak nilang si Isabella Rose Tawile Manzano or Peanut.