Dagupan City – Mga kabombo! Isa na namang intriga mula sa nitizens ang umingay hinggil sa umano’y espesyal na ugnayan sa actress na si Jane de Leon at actor na si Rob Gomez?

Ito ang katanungan ng ilang netizens matapos i-post ni Jane ang video niya kasama si Rob sa Taipei, Taiwan.
Nitong Linggo, June 30, 2024, ibinahagi ni Jane sa Instagram ang karanasan niyang kumain ng ichiran ramen sa nasabing bansa.

Bukod sa mga larawan, kapansin-pansin din ang ipinost ni Jane na video kunsaan makikita ang reaksiyon niya sa pagkain ng ramen.

--Ads--

Dahil sa pagsasama nilang dalawa sa iisang lugar, marami sa fans ni Jane ang nagtanong kung ano ang tunay na ugnayan niya kay Rob.
May ilan ding umalma at tila pinangaralan ang aktres na huwag magdididikit kay Rob para hindi ito madawit sa nakaraang

amantala, hindi ito ang unang pagsasama nina Jane at Rob.Noong 2023, lumabas na rin si Rob sa social media account ni Jane nang magkatrabaho sila sa pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme.

Matatandaan na noong December 2023, naging sentro ng usapan online si Rob dahil sa isyu ng diumano’y pangangaliwa nito sa dating partner niyang si Shaila Rebortera.

Kung saan ay kabilang dito ang co-stars ni Rob sa Magandang Dilag na sina Herlene Budol at Bianca Manalo, na itinuturong naging kalandian noon ng aktor kaya’t nasira ang relasyon nina Rob at Shaila.