BOMBO DAGUPAN – Arestado ang 67 anyos na Top 1 Most Wanted Person in Station Level dahil sa kasong Illegal Recruitment.

Ayon kay PEMS Lorene Garcia Osias Patrollers Supervisor, Villasis PNP na nagrerecruit ang suspek ng mga tao partikular mula sa Mindanao at Maynila at pinapangakuan ang mga ito ng trabaho sa lungsod ng Baguio subali wala namang nakukuhang trabaho ang mga ito.

Kinilala naman ang suspek na si Rosalinda Palaganas tubong Mindanao at nakapangasawa lamang ng taga Malasiqui.

--Ads--

Kaugnay nito ay umabot sa 21 katao ang nagrereklamo patungkol sakanya at napag-alaman din na gumagamit ito ng ibat-ibang allias para makapangloko.

Matagal na nagtago sa batas ang suspek kung saan ang kaniyang inisyu sa rtc branch sa lungsod ng Baguio ang kaniyang arrest warrant at napasakamay ito ng Villasis MPS matapos hanapin ng kanilang operatiba.

Sa kasalukuyan ay tinurn-over na ito sa Baguio City PS at non-bailable ang kaniyang mga kasong kinakaharap.

Samantala, paalala naman ni Osias na ang batas ay walang sinisino at kahit na ilang taon pa ang lumipas ay hindi natatapos ang kaniyang warrant.