Nasawi ang isang 67 anyos na lalaki matapos na aksidenteng mabangga ng L300 van ang kanyang bisekleta sa habaan ng Romulo Highway, Brgy. Casilagan, sa bayan ng Mangatarem.
Ayon kay Police major Arturo C. Melchor, OIC ng Mangatarem Police station, kinilala ang biktima na si Gaudencio Cariño Gonzales, 67 anyos at residente sa nasabing bayan.
Batay sa paunang imbestigasyon, binabagtas ng L300 van ang Romulo Highway patungong hilaga, habang ang bisikleta ay nanggagaling sa isang kalsadang barangay patungong silangan, papunta sa highway.
Pagdating sa lugar ng insidente, tumawid ang biktima sa highway at aksidenteng nabangga ng paparating na van na minamaneho ni Arvin Sagun De Leon.
Sinasabing pinipilit na iprino gamit ang paa niya pero deretso siya sa highway.
Hindi nasaktan ang drayber ng van samantalang ang biktima ay agad isinugod sa Mangatarem District Hospital ngunit idineklarang patay na pagdating sa ospital.
Ayon sa mga testigo hindi sadya ang pagkakabangga sa biktima kaya nagkaroon na rin ng pag uusap magkabilang panig.