BOMBO DAGUPAN – Humaharap ngayon sa kasong 3 counts of statutory rape ang isang 62-anyos na lalaki sa bayan ng Bolinao na siya ring top most wanted person sa kanilang bayan.

Ito ay matapos na gahasain ang mismong pamangkin na anak ng kaniyang kapatid na lalaki.

Ayon kay PCapt Jayson Orilla, Deputy Chief of Police Bolinao PNP na nagbabakasyon lamang sa nasabing bayan ang biktima at tumuloy ito sa bahay ng kaniyang tiyuhin.

--Ads--

Kung saan nang mangyari ang insidente ay nasa edad 13 o 14 lamang ang biktima.

Ani Orilla na isinagawa ng suspek ang panghahalay kapag may pagkakataon na sila lang dalawa ng biktima ang naiiwan sa kaniyang tahanan.

Dagdag pa nito na hindi agad nakapagsumbong ang bata dahil narin umano sa takot o di naman ay pagbabanta ng suspek sakanya.

Samantala, non-bailable naman ang kasong kinakaharap nito.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng CIDG Dagupan ang suspek at patuloy na isinasagawa ang karagdagan pang imbestigasyon ukol sa nangyaring insidente.