BOMBO DAGUPAN- Nakauwi na sa Pilipinas ang 61 na mga Overseas Filipino Workers na mayroong visa o residency violations sa United Arab Emirates.
Ayon sa Department of Migrant Workers, hindi hahatulan ng kaparusahan ang mga ito.
Nasa 2,053 na OFW ang nag-avail ng amnesty program noonf Setyembre 7.
--Ads--
Kabilang naman sa first batch ang 35 OFW mula sa Abu Dhabi, 29 naman ang mula sa Dubai, habang kabilang sa mga ito ang 2 bata.
Sinagot na ng Departmet of Migrant Workers at ng Overseas Workers Welfare Administration ang pamasahe ng mga ito.
Makakatanggap din sila ng reintegration services at iba pang mga suporta mula sa gobyerno.