DAGUPAN CITY- Dead on arrival ang isang 57-taon gulang na ginang habang sugatan naman ang asawa nito matapos pagbabarilin ng isang rising in tandem sa bayan ng Manaoag.

Ayon kay PMaj. Peter Paul Sison, Chief-of-Police ng Manaoag PNP, kinilala ang mag-asawang biktima na sina Virginia Abrcar at si Daniel Abarcar, 65 anyos, residente ng Brgy. Oraan East, sa parehong bayan.

Sa kanilang nakalap na impormasyon, sakay ng tricycle ang mag-asawa habang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang pinagbabaril ang mga ito. Tinamaan sa ulo si Virginia habang daplis lamang ang natamo ng kaniyang asawa.

--Ads--

Sakay naman ng isang itim na motor ang mga suspek habang nakasuot ng half face helmets, itim na jackets, at maong pants.

Agad naman silang nagsagawa ng dragnet operation upang matunton at arestuhin ang mga suspek subalit isa pa lamang ang kanilang nahuhuli. Kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan.

Samantala, patuloy ang kanilang follow-up investigation dahil sa ilang mga motibo ang kanilang nakikita sa posibleng dahil ng pamamaril sa mag-asawa.