DAGUPAN, CITY— Natagpuang wala nang buhay ang isang 56 anyos na lalaki sa isang motel sa barangay Giluig sa bayan ng Mangaldan.
Ang biktima ay napag-alamang tubong San Fabian.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLtCol. Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan PNP, unang nagtungo sa motel ang biktima at makalipas ang ilang minuto ay sumunod na dumating ang isang babae.
Makalipas ang dalawampung minuto ay lumabas ang babae na nagtakip pa ng mukha gamit ang payong
Dahil tapos na ang oras ay kinatok na ito ng staff ng motel at dito nakita ang biktima na nakahandusay sa sahig na hubod-hubad.
Dagdag pa nito na pangalawang beses ng nagpunta ang biktima para magcheck-in.
Ayon sa hepe hindi naman high profile ang biktima, sa bahay lamang ito nagtratrabaho habang nasa abroad naman ang maybahay nito.
Aniya walang nakitang sign of injury at wala din aniyang nawawala sa mga personal na gamit ng biktima.