Dagupan City – Naaresto ang isang 55-anyos na babae sa bayan ng Pozorrubio matapos ikasa ng kapulisan ang isang buy bust operation.

Kinilala ito na isang Street level individual, wala trabaho at residente sa lungsod ng Urdaneta kung saan nakumpiska sa kanya ang 1 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa 2 piraso ng transparent heat-sealed plastic sachets.

Nagkakahalaga ang nakumpiska sa babae ng tinatayang 6,800 pesos.

--Ads--

Bukod sa droga ay nakuha din sa kanya ang nasa isang piraso ng tunay na 100 bill bilang buy-bust money, isang piraso ng
1,000 bilang boodle/fake money; at 1 unit ng selpon.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang babae na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.