Nasa 51 drug personalities ang kabuuang naaresto sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa mga isinagawang operasyon ng PDEA Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Richie Camacho – Provincial Chief, PDEA Pangasinan nakitaan ng paglobo sa datos ng mga nasabing naaresto kung saan tinatayang nasa 16 million naman ang halaga ng kabuuang nakumpiskang mga ilegal na droga.
Ito ay dahil nakatutok sila sa mga high value target at isa rin sa mga mas minomonitor nila ang syudad ng Dagupan maging ang syudad ng Urdaneta at San Carlos.
Samantala, nasa 94.35 porsyento na ang mga drug cleared municipalities sa lalawigan at mayroon na lamang 5.65 porsyento ng mga natitirang apektadong mga barangay.
Nasa 6 naman na bayan ang nag-aapply na para sa drug cleared municipalities at may walong bayan na lamang na nalalabi.
Kaugnay naman sa mga balay silangan sa lalawigan ay mayroon ng 13 balay silangan reformation sa probinisya at tinitingnan nila kung kakayanin pang makapagpatayo ng mga karagdagan sa susunod na taon.
Pagbabahagi naman nito na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa lalawigan at aniya ang PDEA Pangasinan katuwang ang iba pang ahensiya ay laging handa sa pagsasagawa ng mga operasyon.