Dagupan City – Nahuli ang limang indibidwal sa bayan ng Villasis matapos maaktuhang nagbebenta ng marijuana.
Ayon sa kapulisan, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa ilegal na aktibidad agad silang nagsagawa ng buy bust operation.
Nakuha mula sa mga ito ang apat na sachet ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na may bigat na 6.3 gramo at nagkakahalaga ng humigit-kumulang 756 pesos.
Kasama rin sa nakumpiska ang iba’t ibang drug paraphernalia, cash na P146,600, at isang motorsiklo na walang plaka.
Bukod sa marijuana, nakumpiska rin ang 12.4 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P84,320.
Nabibilang ang mga suspek bilang mga Street-Level Individuals (SLIs).
Kasalukuyang nakakulong na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing usapin upang alamin kung may iba pang sangkot sa ilegal na operasyon ng mga suspek.










