Nagpakita ng pagkakaisa ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas at ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Tayug District Jail sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief packs sa 49 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Tayug District Jail bilang pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week 2024.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas, kasama ang kawani ng BJMP Tayug District Jail, ang paghahatid ng tulong sa mga PDLs sa pamamagitan ng relief packs.
Ang nasabing gawain ay may temang “Makataong Pakikitungo, Matinong Pamumuno, at Matatag na Prinsipyo Tungo sa Maunlad na Serbisyong Pampiitan”.
Naglalaman ang mga relief packs ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng gatas, kape, delata, crackers, noodles, at toothpaste.
Bagama’t maliit lamang ang mga ito, nagsisilbi itong simbolo ng pag-asa at pagmamalasakit para sa mga PDLs na naghahangad ng isang mas mahusay na kinabukasan.