Naaresto ang isang lalaki sa Barangay Casantamaria-an sa bayan ng San Quintin matapos matapos mahulihan ng libo-libong piraso ng iligal na sigarilyo sa isang checkpoint.

Ayon sa ulat ng San Quintin Police Station (PS), alas-1:30 ng madaling araw nang mapansin ng mga pulis ang isang asul na Kawasaki Bajaj 100 tricycle na minamaneho ni George Laurente Erojo Sr., 46 anyos, magsasaka, at residente ng San Pascual, Talavera, Nueva Ecija. Kasama niya ang kanyang live-in partner.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pcpt. Mark Carlo M. Estepa Deputy Chief, San Quintin PNP natuklasan ng mga awtoridad na ang tricycle ay puno ng mga iligal na sigarilyo, partikular na ang mga RGD at HP cigarettes na walang kaukulang DTI/BIR labels.

--Ads--

Kung saan aniya ay kinuha aniya ng suspek ang mga ito sa Talavera, Nueva Ecija at ibinabagsak sa bayan ng San Nicolas.

Sa kasalukuyan ay finafile na ang kaso sa bayan ng Tayug at may kaukulang piyansa para dito ngunit hindi pa tukoy ang kabuuang halaga.

Pagbabahagi pa nito na may parehong kaso ng nangyari taong 2023 kaya’t paalala nito na huwag magdala ng mga ipinagbabawal.