Hindi bababa sa 45 baboy ang namatay dahil sa panibagong kaso ng African Swine fever (ASF) sa lalawigan ng Pangasinan.

                Nabatid mula sa Provincial Veterinary Office, noong Deciembre 21 pa nakapagtala ng pagkamatay ng mga baboy sa Brgy. Linoc, sa bayan ng Binmaley subalit hindi ito agad na ipinagbigay alam sa mga otoridad dahilan upang magkasunod-sunod na mamatay ang mga alagang baboy  na kinalaunan ay inilibing na lamang sa bakuran ng mga namatayang hog raisers.

                Sinasabing nasa anim na hog raisers ang namatayan ng alagang baboy sa lugar. Magsasagawa ng imbestigasyon ang mga kinauukulan kung paano muling nakapagtala ng ASF gayong sinasabing na-contain na ito. Bukod sa bayan ng Binmaley, magsasagawa rin ng pagsusuri sa bayan ng Mangatarem lalo at sinasabing ang dalawa sa namatay na mga baboy ay nagmula sa nasabing bayan.

--Ads--

                Sa ngayon, mahigpit ang ginagawang pagbabantay sa lugar kung saan isinara lahat ng entry at exit point sa Brgy. Linoc upang maiwasan ang pagpasok at paglabas ng mga baboy.