Dagupan City – Patay ang 41-anyos na dump truck driver, matapos na nahulog sa isang fishpond ang sinasakyan nito sa bayan ng Binmaley.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCPL. Jan Michael Lazo, Investigator on Case ng Binmaley Police Station, binabaybay umano ng dump truck na minamaneho ng 41-anyos na driver, may lulang isang pahenante na parehong residente ng barangay Salasa sa bayan ng Bugallon ang kalsada patungong norte nang biglang nag-overtake ang isang elf-truck na minamaneho ng 31-anyos na may lulang 4 na indibidwal mula pa sa barangay Sampaloc sa bayan ng Bolinao.

At dahil na rin sa salpukan, biglang dumerederetso ang dump truck sa bahagi ng fishpond na siyang dahilan naman ng ikinasawi ng driver nito. At sa lakas naman ng tama, nagtamo ang mga sakay ng parhong sasakyan ng mga galos, habang ang 41-anyos naman na driver ng dump truck ay nasawi.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nagpapagaling na ang mga sangkot sa aksidente, at inaantay na rin ang pagsasampa ng kaso ng pamilya ng biktima.
Kung matutuloy naman ang pagsasampa ng mga ito, mahaharap ang 31-anyos sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injury damage to property.