Mga kabombo! Paano kung ang isinusuot mong brand ay brand na pala noong 17th century?
Just Wow! Ito nga ba ay pruweba ng time travel?
Isang 17th century painting kasi ang makikita sa The National Gallery sa London, England na napag-alamang halos 400 years old na, at kung titignang mabuti ang portrait, may visual element ito na katulad ng iconic logo ng Nike, na inilunsad noong 1964?
Ayon sa ulat, malaking palaisipan para sa mga mapanuring bisita sa museum, dahil ang lumang painting na pinamagatang Portrait of a Boy ay likha ni Ferdinand Bol, isang tanyag na Dutch painter.
Sa kanyang pinta kasi ay makikita at tampok ang isang 8-anyos na batang lalaki na may hawak na kopitang nakalagay sa lamesa.
Nakasuot ang bata ng kulay itim, habang nakamedyas at nakasuot ng itim na sapatos na may taglay na katulad ng swoosh sa Nike logo.
Ayon sa ulat, ang bata sa obra ay pinaniniwalaang si Frederick Sluysken, second cousin ng asawa ng painter na si Ferdinand Bol.
Sa kasalukuyan, wala pa silang dagdag na pahayag o kaya paliwanag ukol sa misteryosong Nike logo sa lumang painting.