Mga kabombo! Isa ka ba sa mga medyo hindi familiar sa mga art sa mga museo?
Paano ba naman kasi, nasira ang artwork na isang salamin na sadyang binalutan ng makapal na alikabok, na may isang maliit na mantsa sa gitna matapos linisan ng isang clear?
Dahil dito, humingi ng tawad ang Keelung Museum of Art sa Taiwan sa isang local artist matapos masira ng isang volunteer cleaner ang artwork nito na naka-display sa museo.
Ang dahilan: inakala ng volunteer na isa lamang itong maruming salamin at “nilinis niya ito nang husto”.
Ang nasirang artwork ay may pamagat na Inverted Syntax 16.
Ayon sa ulat, ang makapal na alikabok na bumabalot sa salamin ay 40 taon nang naipon at ito mismo ang pinakamahalagang bahagi ng salamin.
Ngunit para sa volunteer, na ang intensiyon ay tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa museo, ang 40-taong alikabok ay isa lamang dumi na kailangang punasan.
Gamit ang toilet paper, pinunasan ng volunteer ang artwork. Bago pa man siya mapigilan ng ibang museum personnel, nakagawa na siya ng “irreparable damage” o pinsalang hindi na kailanman maibabalik sa dati.
Ayon kay Deputy Director Cheng Ting-ching, agad na nagsagawa ng emergency talks ang museo at kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang posibleng “compensation” o bayad-pinsala para sa artist.
Idinagdag sa ulat na ang mga ganitong pagkakamali ay hindi na bago.
Noong nakaraang taon din kasi ay isang museum technician ang itinapon sa basurahan ang isang artwork na binubuo ng dalawang yuping lata ng beer, dahil inakala niyang naiwan lang ito ng isang bisita.









