DAGUPAN CITY- Himas rehas ngayon ang isang 40 anyos na lalaki sa lungsod ng San Carlos matapos itong kumitil ng buhay.

Ayon kay PLt. MC Kinley Mendoza, Public Information Officer ng San Carlos City PMP, arestado ang kinikilalang suspek na si Jason Dalioan, motorcycle mechanic, naninirahan sa Brgy. Tarecte, sa nasabing lungsod.

Base sa kanilang imbestigasyon, iniwasan ng suspek ang naturang kaso nang magtago at magtrabaho ito sa Bulacan. Makalipas ang dalawang buwan, umuwi lamang ito upang mamili ng mga kagimitan pang-eskwelahan ng kaniyang anak. Nakilala ito ng mga kapulisan at naging sanhi ng kaniyang pagkakahuli.

--Ads--

Gayunpaman, mariing itinatanggi ng suspek ang kasong kaniyang kinahaharap.

Napag-alaman din na dati na itong nakulong sa kasong frustated murder sa lungsod ng Dagupan subalit ito ay nakapagpyansa.

Nahaharap ang suspek sa kasong pagpatay at wala itong pyansa para sa kaniyang kalayaan.