Mga kabombo! Gaano nga ba katalino at kagaling ang aso mo?
Kaya niya bang umuwi ng mag-isa? Ops! There’s more! Hindi lang kasi basta, umuwi mag-isa ang isang aso sa Florida, kundi-nag doorbell pa?
Ito lang naman ang tinaguriang ‘Christmas miracle’ ng isang pamilya sa Florida, U.S.A. nang ang aso nilang kinilalang si Athena na isang 4-year-old na isang German Shepherd-Husky mix, ay nakabalik upang ipaalam ang kanyang pag-uwi matapos mawala ng siyam na araw.
Ayon sa owner, nawala si Athena mula sa kanilang tahanan sa Green Cove Springs noong Disyembre 15.
Ngunit sa kabila ng pagsusumikap ng mga ito na mahanap si Athena, bigo silang matagpuan ang aso.
Hanggang sa pagsapit ng 2:30 ng madaling araw ng bisperas ng Pasko, nagulat na lamang ang mga ito nang marinig ang doorbell. Nang silipin ang kanilang Ring camera, nakita niyang si Athena iyon at pinipindot ang doorbell.
Naging emosyonal ang kanilang pagkikita. Yumakap si Athena sa kanyang mga amo. Pagkatapos ay masaya itong naglaro ng paborito niyang bola. Upang maiwasan naman anila ang ganitong pangyayari sa hinaharap, ipapa-microchip na siya ng kanyang mga may-ari.