Dagupan City – Hanggang saan aabot ang inis mo sa iyong trabaho?

Isang former employee kasi sa Singapore na kinilalang si Kandula Nagaraju, 39-anyos, isang Indian national.

Ayon sa ulat, nagtrabaho si Kandula sa isang kompaniya bilang bahagi ng quality assurance computer system team.

--Ads--

Ang grupong kinabibilangan niya ang gumagamit ng test server’s para mag-run ng applications o programs bago ipagamit sa customers at end user’s ng kumpanya.

Natapos ang kontrata ni Kandula noong October 2022, at batay sa assessment ng kumpanya, hindi maganda ang kanyang naging performance.

At dahil sa sobra siyang na-upset sa pagkakatanggal sa kanya sa trabaho.

At dito na nabuo ang kaniyang ideya na gantihan ang dating employer.
Lumalabas umano na nag-research talaga siya sa Google tungkol sa server delete scripts.

Gamit ang kanyang valid access credentials, sinubukan niyang i-test ang kanyang na-develop na server delete scripts sa server’s ng NCS.