Inaresto ang isang 37 anyos na lalaki sa isinawang search ng kapulisan katuwang ang PDEA Region 1 sa barangay Poblacion West sa bayan ng Natividad, Pangasinan.

Ang lalaki ay naharap sa paglabag sa R.A. 9165 at R.A. 10591.

Nakumpiska dito ang nasa 1.7 gramo ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga g 11,560 na nakalagay sa dalawang (2) heat-sealed na plastic sachet
1 Live Ammunition for Magnum 223,One (1) Live Ammunition for M16 Rifle7, One (1) Live Ammunition for Cal. 9mm at iba pang drug paraphernalia .

--Ads--

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinailalim sa on-site inventory at marking sa harap ng suspek at ng mga kinakailangang saksi, alinsunod sa batas.

Ang suspek at ang mga ebidensya ay dinala na sa tanggapan ng Natividad MPS para sa karagdagang imbestigasyon at ligal na aksyon.

Binigyang-diin ng pulisya na ang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya laban sa iligal na droga at armas sa lalawigan.