Dagupan City – Inaresto ng mga tauhan ng San Carlos City Component Police Station ang isang 37-anyos na lalaki sa bisa ng bench warrant of arrest bandang 1:50 ng hapon noong Pebrero 20, 2026 sa San Carlos City, Pangasinan.
Kinilala ang akusado bilang binata, high school graduate, walang trabaho at residente ng nasabing lungsod.
Dinakip siya ng mga operatiba ng San Carlos CPS kaugnay ng kasong paglabag sa City Ordinance No. 19, Series of 2008 o ang pagbabawal ng walang suot na pang-itaas na kasuotan sa pampublikong lugar, na may criminal case number 99095.
May inirekomendang piyansang P3,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang pag-aresto, agad siyang dinala at kasalukuyang nasa kustodiya ng San Carlos City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.










